Lasing Joke | Conversation

Lasing1: Oi pare, ang gwapo mo!
Lasing2: Pare ikaw din.!
At malakas na halakhak ang lumabas sa bibig ng 2 lasing BwaHaHaHa.
Lasing1: Ang birthday ko, October 15 1984, ikaw pare kailan birthday mo?
Lasing2: Aba! October 15 din ako, at 1984 din ‘yong birth year ko!
Lasing 1 at 2: BwaHaHAHa!
Lasing2: Pare, nagtapos ako ng high school sa Manila High. Ikaw pare?
Lasing1: Ha? Akalain mong don din ako nagtapos!
Eh ang name ng tatay ko ay Rudy at ang ang nanay ko si Maria.
wag mong sabihin na ‘yon din name ng parents mo?
Lasing2: Pare, ‘yon din pangalan nila! Ang apelyido ko Pascual, sa ‘yo
Lasing1: Pascual din pare, pareho tayo! BwaHaHaHa!

(narinig sila ng bartenter at binulungan nya ang katabi nya)

Bartenter: Tol’, ‘yong kambal na Pascual lasing na naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *