Tagalon Collection Conversation Jokes

LOLO: Gino, paabot nga ng kape ko.

APO: ‘lo, Gina po.

LOLO: Gino, paabot nga ng kutchara.

APO: ‘lo, Gina po.

LOLO: Punyeta ka, Gino! Tigil-tigilan mo yang kabaklaan mo!

 

==================================

 

BF: Kunwari nakapulot ako ng 30.

GF: Oh tapos?

BF: Tapos bumili ako ng hamburger 18 pesos ang isa. Magkano
sukli ko?

GF: 12 pesos.

BF: Bobo! Dos lang! Bente lang yung binigay ko. Bakit may nakita ka bang 30 pesos na buo? Tsk!

 

==================================

Tatay: ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko?

Anak: hindi ko po marinig.

Tatay: ikaw ba ang kumuha ng pera sa wallet ko?
(Pasigaw)

Anak: hindi ko po marinig.

Tatay: (Galit na galit) ikaw ba ang kumuha ng pera sa
wallet ko?

Anak: hindi ko po talaga marinig. Palit nga po tayo.
Dito ka diyan ako.

(Nagpalit ng pwesto)

Anak: Sino po yung babaing kasama niyo kagabi?

Tatay: oo nga hindi marinig.

Loading Facebook Comments ...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *